Hinihinalang drug lord, patay sa buy-bust sa Mandaue

Edgar Escalante, ABS-CBN News

Posted at May 26 2017 09:00 AM

CEBU – Isang hinihinalang drug lord ang nabaril at napatay nang magsagawa ng buy-bust operation ang awtoridad sa Barangay Bakilid sa Mandaue Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Christian Aquino, ang top 1 high value target sa Central Visayas. Nakipagbarilan ito sa mga kasapi ng Regional Drug Enforcement Unit 7, pasado ala-1 ng madaling araw.

Dinala pa sa ospital si Aquino pero idineklara na itong patay dakong 10:40 ng umaga.

Narekober mula kay Aquino ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu, .38 caliber pistol at P6,000 pera na sinasabing kita umano nito sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Ayon kay Senior Inspector Windell Abellana, isinailalim sa surveillance ang suspek matapos itong sumuko sa Oplan Tokhang sa Moalboal nitong nakaraang taon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.