Delpan evacuation center nabitak dahil sa lindol

Michael Delizo, DZMM

Posted at May 26 2017 08:52 AM | Updated as of May 26 2017 11:03 AM

Nagkabitak-bitak ang ilang bahagi ng Delpan Evacuation Center sa Tondo, Maynila kasunod ng intensity 3 na lindol Huwebes ng gabi.

Ayon kay Oliver Dimla ng Manila Disaster Risk Reduction Management, 2013 lang naitayo ang apat na palapag na gusali pero makikita na nagkaroon ng biyak ang mga pader at kisame sa una at ikaapat na palapag ng evacuation center.

Inaasahang iinspeksyunin ng mga ang taga Office of the City Engineer ng Maynila ang gusali at mga bitak na natagpuan sa ilang palapag.

Magugunitang mahigit 3,000 pamilya ang lumikas dito matapos masunog ang mahigit isang libong bahay sa Parola noong Pebrero.

Bagamat may takot, mananatili raw dito ang mga evacuees dahil wala pa silang malilipatan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.