Basura sa Tubbataha Reefs, maaaring ikamatay ng mga pawikan

Lynette dela Cruz, ABS-CBN News

Posted at May 26 2017 09:05 PM

PALAWAN – Isa sa mga lamang dagat na malayang naninirahan sa Tubbataha Reefs Natural Park sa Cagayancillo sa lalawigang ito ay ang mga pawikan.

Pero hindi lamang mga pawikan at iba pang lamang-dagat ang makakasabay sa paglangoy sa Tubbataha, kundi pati na ang nagkalat na mga basura. At ang mga pawikan ang nanganganib na unang maaapektuhan kapag nakain nito ang mga basura.

"'Yung maliliit na basura, usually hindi natin pinapansin. Pero yung maliliit na basura, yun ang kayang kainin ng turtle, kayang isubo ng mga ibon. And so mas detrimental nga 'yung mga 'yun kasi ang malalaking basura, hindi naman nila kayang i-ano (kainin)," ani Angelique Songco, park superintendent ng Tubbataha Management Office.

 

Kuha ni Lynette dela Cruz, ABS-CBN News

 

Kuha ni Lynette dela Cruz, ABS-CBN News

 

Kuha ni Lynette dela Cruz, ABS-CBN News

 

Kuha ni Lynette dela Cruz, ABS-CBN News

 

Kuha ni Lynette dela Cruz, ABS-CBN News

 

Kuha ni Lynette dela Cruz, ABS-CBN News

 

Kuha ni Lynette dela Cruz, ABS-CBN News

 

Kuha ni Lynette dela Cruz, ABS-CBN News

Dagdag nito, posibleng sa iba't ibang lugar pa nanggagaling ang mga basura na kung susuriin umano ay isang international concern. Ang mga park ranger lamang din ang karaniwang namumulot ng basura sa lugar para maiwasang tumambak.

"Itong mga tao natin nag-u-underwater clean up, nag-su-surface clean up, it’s (trash) not coming from the park. It’s coming from outside park boundaries," ayon kay Songco.

"In the end kahit na nasa bundok ka, itinapon mo sa ilog it will all end up in the ocean kasi magkakadugtong naman tayong lahat," dagdag pa niya.

Para naman sa turistang si John Tan: "Sana katulad ng ginawa natin na kumuha tayo ng mga basura sa reef, at least nakikita natin ang situation sa baba na minsan may natatapon na basura at yun nakukuha natin, so mas nako-conserve natin yung reef."

Kaya pakiusap ng pamunuan ng Tubbataha, ilagay sa lugar ang pagtatapon ng basura, dahil sa huli babalik at babalik din sa tao ang sakripisyo kapag hindi napanatili ang yaman ng Tubbataha.