PatrolPH

Mga pasahero sa EDSA Bus Carousel, nahirapang makasakay dahil sa mahabang pila, punuang mga bus

Jose Carretero, ABS-CBN News

Posted at May 25 2023 09:09 PM

Jose Carretero, ABS-CBN News
Jose Carretero, ABS-CBN News

Inabot ng mahigit isang oras bago nakasakay ang mga pasahero sa EDSA Bus Carousel dahil sa mahabang pila at punuang mga bus Huwebes ng gabi.

Sa Quezon Avenue Station, umabot ang pila mula sa passenger entrance hanggang sa sakayan. Ayon sa ilang pasahero, inabot sila ng mahigit isang oras sa pila bago makarating sa sakayan.

“Kasi tag-ulan eh ngayon lang naman na-experience," ani ng pasaherong si Dibon Pagunsan.

“Puno pa po ang nga bus, delayed po," ayon naman kay Venzel Cruz.

“Nangyayari naman 'to pero mas matindi ang interval ngayon ng carousel,” ani Jobel Bonaobra.

Ayon sa EDSA Carousel controller sa Quezon Avenue Station, matindi ang traffic sa bahagi ng Ayala Station kaya apektado ang mga bus papuntang Monumento Station.

Dagsa rin ang mga pasahero dahil sa pagbuhos ng ulan ngayong hapon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.