TFC News

KILALANIN: Unang Filipina Mayor ng Stevenage, England

Rose Eclarinal | ABS-CBN Europe News Bureau

Posted at May 25 2023 09:58 AM | Updated as of May 25 2023 10:39 AM

STEVENAGE- Isang makasaysayang araw sa Filipino community sa UK ang pag-upo ng British-Filipino National Health Service worker Myla Arceno bilang bagong mayor ng Stevenage, England.

Kahapon, ika-24 ng Mayo, nakuha ni Arceno ang boto ng Stevenage councillors para siya ang maging officially “appointed” mayor ng bayan sa North-East Hertfordshire.

“I’m very proud that we will bring this pride to the Filipino community, not only in Stevenage but also to Filipinos," sabi ni Mayor Arceno. 

1
Ernie Delgado

Taong 2021 lang nang manalong councillor ng Martins Wood Ward ang National Health Service Cardiac Rehab Specialist Physiotherapist na si Arceno. Naging Deputy Mayor sa sumunod na taon, at sa katatapos na annual meeting ng Stevenage council, mayor na.

Si Arceno ang pangatlong Pinoy sa UK na naluklok na mayor at unang Filipino Mayor ng Labour Party. Naging mayor din ng East Grinstead si Danny Favor at ang namayapang si Cynthia Barker ng Hertsemere. Pareho silang nasa ilalalim ng Conservative Party.

Sabi ni Arceno, ang pagiging NHS worker sa loob ng 20 taon, ay malaking bahagi ng kanyang panalo noong panahon ng pandemya.

“Because we know how the NHS staff made a big difference during the pandemic and here in Stevenage. Winning as councillor, I do not think it is possible (to win) just by me. I always say it is because of the Filipino community here in Stevenage and It’s the people around me, it’s the reason why I am here now,” paliwanag ni Arceno.

Ibinahagi naman ng dating Mayor ng Stevenage na si Councillor Margaret Notley, na nagpapasalamat sila kay Arceno sa pagpapakilala sa kanila sa Filipino community at sa pagsisilbing tulay ng komunidad ng Pinoy at iba pang ethnic communities.

“Myla is absolutely great. She’s wonderful to work with. She knows so many people,” pahayag ni Notely. Proud ang constituents ni Arceno, lalo na ang mga tumulong sa kanyang kampanya, sa bagong kabanata ng kanyang political life.

“I’m very proud. The mere fact that she is my kumare as well. She’s going to be the first Filipina Labour Party Mayor in the UK,“ pahayag ni Liza Delfin na katuwang ni Arceno sa pamumuno ng Filipino community sa Stevenage.

“Myla is a breath of fresh air. Her energy, her enthusiasm and her sheer will to make things happen, is amazing for Stevenage. We love her,” sabi ni Councillor Lou Rossati.

“We were happy to be introduced by her to the lovely Filipino community in the Stevenage. She decided to run for the council and became the First Filipina councillor. We are incredibly proud of her,“ pahayag ni Baroness Sharon Taylor.

Political career na nagsimula sa sayaw

Kuwento ni Arceno, aktibo siya sa Filipino community at sa local community. Matagal na raw siyang napipisil na tumakbong konsehal. Nagsimula raw ito nang mapansin ang pag-o-organisa niya ng sayaw para sa isang event.

Tanda pa ni Myla, ang pagsasayaw nila ng “Bulaklakan” na siya ang nag-choreograph.

“For the last 12 years, we were dancing in events.” Kaya biro niya, nagsimula ang political career niya sa UK sa sayaw na ‘Bulaklakan.” 

2
Ernie Delgado

First Citizen of Stevenage

May higit 89 libo ang populasyon ng Stevenage. Taong 2003 nang dumating si Arceno sa Stevenage kasama ang kanyang pamilya. Ang kanyang asawa ang unang nagtrabaho sa NHS at sinundan niya.

Hindi raw niya inakala na dadalhin siya ng kapalaran sa pulitika.

"Never expected that it will happen here in the UK; that it will happen here in Stevenage, considering that I came here to work and we thought we will be coming back to the Philippines in 5 years,” kuwento niya.

Sa pagnanais niyang magsilbi o “to give back” dahil sa magandang buhay na ibinigay sa kanya at sa pamilya ng bayan ng Stevenage, tumakbo siyang konsehal.

Naniwala rin siya sa kanyang kakayahan at naka-sentro raw ang kanyang buhay at pagsisilbi sa kanyang relihiyon at pananalig sa Diyos.

“No matter your status in life, always believe in yourself,” paalala ni Arceno.

Ang dating probinsiyana mula sa Pulupandan, Negros Occindental ang tinaguriang “First Citizen of Stevenage” dahil siya ang mayor at magiging lider ng bayan sa loob ng isang taon.

“It’s an honour on my part to serve the people of Stevenage and hopefully, as an inspiration to the Filipino community and to all the women out there, also to those working in the NHS,” sabi ni Arceno.

Bilang bagong mayor, isang malaking Barrio Fiesta para sa Filipino community ang inihahanda niya sa Agosto.

Tututukan din niya ang apat na charities na malapit sa kanyang puso: Douglas Drive Senior Citizens Association, Hertswise, The Red Shed, at Stevenage World Forum for Ethnic Communities.

Si Arceno, na nagtapos ng Bachelor of Science in Physical Therapy noong 1995, 49-taong gulang, may asawa at dalawang anak. 

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa United Kingdom, tumutok sa TFC News sa TV Patrol. 

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC