PatrolPH

Social welfare officer pinagbabaril sa Catanduanes

ABS-CBN News

Posted at May 25 2022 01:18 AM

Kuha ng Virac MPS
Kuha ng Virac MPS

Wala nang buhay nang maabutan ng pulisya ang isang babaeng social worker sa bayan ng Virac, Catanduanes, Martes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Carmel Eubra, 43, municipal social welfare and development officer at nanunuluyan sa isang bahay sa Oceanview Subdivision sa Brgy. San Isidro Village.

Sa paunang imbestigasyon, pinaputukan ng dalawang beses ng riding-in-tandem ang biktima habang minamaneho nito ang kaniyang sasakyan papasok sa subdivision. 

Ito'y base na rin sa tama ng bala sa sasakyan at basyong nakuha sa pinangyarihan ng insidente.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa naturang krimen.
 
Panawagan ng awtoridad ang pakikipagtulungan ng publiko para sa agarang ikadarakip ng hindi pa nakikilalang mga salarin.—Ulat ni Karren Canon

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.