PatrolPH

Kasapi ng PNP HPG, huli sa pangingikil sa entrapment sa Agusan del Norte

ABS-CBN News

Posted at May 25 2021 06:21 PM

Kasapi ng PNP HPG, huli sa pangingikil sa entrapment sa Agusan del Norte 1
Huli sa entrapment operation ang isang kawani ng Highway Patrol Group dahil sa reklamong pangingikil sa Agusan del Norte. Larawan mula sa Philippine National Police Integrity, Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG)


CABADBARAN CITY – Arestado sa isinagawang entrapment operation ang isang miyembro ng Philippine National Police Highway Patrol Group dahil sa reklamong pangingikil.

Inaresto si Police Staff Sgt. Ronelo Tering-Tering matapos tumanggap ng marked money mula sa complainant.

Ayon kay Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) Director Police Brig. Gen. Thomas Frias Jr., bago pa mangyari ang operasyon, humingi umano ng P10,000 ang suspek mula sa complainant kapalit ng pag-release ng naka-impound nitong mini dump truck.

Nakuha sa kanya ang marked money na P2,000, perang nagkakahalaga ng P4,400, mga bala, isang baril, tatlong basyo ng bala at isang cellphone.

Nasa kustodiya ngayon ng pulisya ang suspek.

Hinikayat naman ni Frias ang publiko na i-report ang anumang iregularidad na kinasasangkutan ng mga pulis sa hotline numbers ng PNP-IMEG:

SMART: 0998-970-2286 
GLOBE: 0995-795-2569

Maari ring ipasa ang impormasyon sa kanilang Facebook at Twitter account. 

Siniguro nito sa publiko na magiging confidential ang kanilang pangalan at ibibigay na impormasyon.

- Ulat ni Lorilly Charmane D. Awitan
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.