#WalangTubig: Ilang lugar sa Marikina, Mayo 25-26

ABS-CBN News

Posted at May 25 2020 01:23 PM

Nag-abiso ang Manila Water sa mga kostumer nito sa Marikina na mag-ipon ng tubig dahil magkakaroon ng water service interruption sa ilang lugar sa lungsod simula gabi ng Lunes.

Ayon sa Manila Water, simula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw ng Martes, mawawalan ng supply ng tubig ang mga sumusunod na lugar:

Barangay Malanday

  • Reposo Street
  • Kabayani Street
  • Jocson Street
  • Jurok V Street
  • Green Street
  • Indigo Street
  • Blk. 1 hanggang 4
  • Saint Lawrence Street
  • Blk. 5 hanggang 8
  • Pomelo Street

Barangay Concepcion Uno

  • JP Rizal – Bagong Farmers Avenue to G. Cruz Street
  • D. Mariano Street

Ang interruption ay bunsod ng line meter replacement activity sa kanto ng Reposo at Malaya Street.

-- Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.