Higit P29 milyon cash aid ibinalik ng ilang residente ng Quezon City

Raya Capulong, ABS-CBN News

Posted at May 25 2020 12:19 PM | Updated as of May 25 2020 09:09 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

(UPDATE) Aabot sa higit P29 milyon ang halaga ng ayuda mula sa social amelioration program ang ibinalik ng higit 3,500 na residente ng Quezon City, ayon sa lokal na pamahalaan ngayong Lunes.

Kabilang anila sa mga nagbalik ng ayuda ang ilang residente ng Barangay N.S. Amoranto, gayundin ang mga nakakuha ng hiwalay na benepisyo mula sa Social Security System. 

Ire-reallocate ng Quezon City government ang ibinalik na ayuda para sa mga hindi nakatanggap ng first tranche ng social amelioration program na layong bigyan ng P5,000 hanggang P8,000 ang pinakamahihirap na pamilya sa loob ng 2 buwan. 

Ipinaalala naman ng social welfare department sa mga magbabalik ng tulong-pinansyal na humingi ng resibo o anumang katibayan na isinauli nila ang subsidiya.  -- Ulat nina Raya Capulong at Jeck Batallones, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.