Mga Muslim hinatiran ng tulong ng Pantawid ng Pag-ibig

ABS-CBN News

Posted at May 25 2020 09:33 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Walang magawa si Baican Salamat kundi isantabi ang pangamba sa tuwing lumalabas ng bahay para umangkat ng isang sakong kamote araw-araw. Tinitinda niya ang mga ito sa harap ng Al-Shatie Mosque sa Baseco Compound sa Maynila. 

“Kapag namamalengke ka para kang sinusundan ng takot,” ani Salamat.

Wala pang P100 ang kita ni Salamat kada araw at ito ang ipinambubuhay niya sa 8 niyang anak mula nang mag-umpisa ang enhanced community quarantine (ECQ), na ipinatupad sa iba-ibang panig ng bansa para makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

Nag-graduate sa kolehiyo ngayong taon ang panganay na anak ni Salamat pero dahil sa ECQ, hindi ito makapag-apply ng trabaho.

“Sabi ko ‘pagka-graduate mo anak, kumbaga sa ano, baka naman maiba ang buhay natin’... Paano ba yan, ni certificate ‘di makakuha, mangyari pa ba ‘yon?” ani Salamat.

Sa Litex Market sa Commonwealth, Quezon City, maraming mga tindahan ang nagsara ng puwesto bunsod ng quarantine.

Ayon kay Jamil Abdulraham, imam ng Masjid Al Hijrah sa Commonwealth, marami sa mga vendor sa Litex Market na nawalan ng kita ay mga Muslim.

“Talagang nahihirapan kami lahat, Muslim o non-Muslim, nahihirapan kami,” ani Abdulraham.

“Dahil sa walang financial income, walang trabaho, walang dumadating na ayuda, mas lalong humihirap kami,” dagdag niya.

Idinaing din ni Faizah Quezon Zair, Umahat President ng Al-Shatie Mosque, ang hirap na dinaranas ng mga Muslim mula nang magka-lockdown.

“’Yong normal na buhay namin dati, napakalayo sa ngayon na may lockdown,” ani Zair.

Bilang suporta sa mga kapatid na Muslim, hinatiran ng tulong ng Pantawid ng Pag-Ibig ang ilang Muslim communities sa Metro Manila, kabilang ang lugar nina Salamat at Abdulraham.

“Masaya kami, appreciate much kasi kahit paano may nakakaalala sa amin dito,” ani Zair.

“Malaki nang tulong ‘yan. Kasi sa araw-araw ba naman, saan mo kukunin ‘yong kakainin dito, may darating ba biyaya ‘di ba?” ani Salamat.

Nais namang pasalamatan ng ABS-CBN ang mga sumusunod na supply sponsor na lumahok sa Pantawid ng Pag-ibig campaign:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.