Job opening: QC nangangailangan ng mga doktor, nurse para sa quarantine facilities

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at May 25 2020 10:41 AM | Updated as of May 25 2020 10:47 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Naghahanap ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng mga doktor, nurse, at midwives para sa 3 quarantine sites o HOPE facilities.

Kailangan din ng iba pang medical staff na graduate ng 4-year health-related course na puwedeng mag-in house duty sa kanilang mga pasilidad, ayon sa anunsiyo ng Quezon City Health Department noong Huwebes.

Hindi bababa sa P59,000 ang buwanang sahod para sa mga doctor habang P32,000 naman ang alok para sa mga nurses. Nasa P15,000 hanggang P17,000 ang sahod para sa iba pang medical staff.

May dagdag rin na P500 kada araw na hazard pay.

Para sa mga may karagdagang tanong, maaaring tumawag sa hotline ng QC Health Department sa 703-4382.

Sa pinakahuling tala ng QC local government, may 841 active COVID-19 cases sa lungsod.

May 81 na pasyente ang HOPE 1 facility, kung saang 41 dito ang confirmed COVID-19 patients, at 47 na pasyente sa HOPE 3 facility.

Nasa 211 naman ang pasyente sa HOPE 2 facility na naka-self isolate habang hinihintay ang kanilang resulta para sa virus.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.