Rollback sa petrolyo nakatakda sa Martes; bawas-presyo sa LPG namumuro

ABS-CBN News

Posted at May 25 2019 03:49 PM

MAYNILA — Matapos ang serye ng oil price hike, isang rollback naman sa mga produktong petrolyo ang inaasahan sa susunod na linggo.

Tinatayang rollback sa Martes:

  • Diesel → P0.50-P0.55/litro
  • Gasolin → P0.40-P0.50/litro
  • Kerosene → P0.50-P0.60/litro

    
Maglalaro sa P0.50 hanggang P0.55 kada litro ang magiging bawas-singil sa diesel.


    
Sa gasolina, ang rollback sa Martes ay nasa P0.40 hanggang P0.50 kada litro habang P0.50 hanggang P0.60 naman sa kerosene.
    
Pero bukod pa dito ay may inaasahan ding tapyas-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) sa pagtatapos ng buwan.

Sa ngayon kasi, nasa mahigit $100 na ang ibinagsak sa contract price ng LPG sa world market.
 
Pero nilinaw ng sources na mababago pa ang contract price sa mga susunod na araw at ang magiging pinal na rollback ay lalabas sa Mayo 31 pa.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.