Paaralan sa Iloilo naglagay ng CR para sa mga LGBT

Joyce Clavecillas, ABS-CBN News

Posted at May 25 2019 01:01 AM

Joyce Clavecillas, ABS-CBN News

Nakatawag ng pansin sa mga netizens ang litrato ng LGBT comfort room ng Alimodian Central Elementary School sa Iloilo.

Ayon kay Je Dadivas, guro at Brigada Eskwela coordinator ng paaralan, noong nakaraang taon pa nila binuksan ang LGBT CR.

"Para maiwasan yung bullying sa mga bata. Early pa lang, pinapakilala natin sa mga bata that they have to respect each other," aniya.

Nilagay din dito ang pangalan ng alkalde ng bayan ng Alimodian na si Mayor Geefre "Kalay" Alonsabe na isang miyembro ng LGBT.

Nagpasalamat naman ang LGBTQ group sa Alimodian na binibigyang pansin at halaga ang pangangailangan ng kanilang mga kasamahan sa paaralan.

"Better talaga na may LGBT CR para at least we enjoy ang space namin," ani Nikky Nel Salvilla, presidente ng LGBTQ Alimodian.

Maliban sa LGBT CR ay naglagay na rin sila ng banyo para sa mga persons with disability.

Ito ang paraan ng eskwelahan para mabigyang pansin ang mga pangangailangan ng lahat ng mga estudyante sa kanilang paaralan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.