P3.4-M halaga ng 'shabu' nasamsam sa CamSur

Mylce Mella, ABS-CBN News

Posted at May 25 2019 04:42 PM

Nasabat ang kalahating kilo ng droga mula sa isang lalaki sa Camarines Sur, Biyernes ng hapon. Sipocot Municipal Police

Nasabat ang nasa P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang lalaki sa bayan ng Sipocot, Camarines Sur nitong Biyernes ng hapon.

Nakuha sa kaniya ang 2 sachet ng droga na may bigat na kalahating kilo.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.