‘Mag-stay lang ng course’: Robredo nagpahayag ng suporta kay Vico Sotto

ABS-CBN News

Posted at May 25 2019 05:37 PM

Ayon kay Vice-President Leni Robredo, handa siya at mga dating kasamahan ng kaniyang asawa na tumulong kay Pasig mayor-elect Vico Sotto kung kinakailangan. OVP handout; George Calvelo, ABS-CBN News

NAGA CITY—Nagpahayag ng suporta si Vice-President Leni Robredo kay Pasig mayor-elect Vico Sotto na ilang beses nang nabanggit ang lungsod na ito bilang ehemplo ng local governance.

Ayon kay Robredo, handa siya at mga dating kasamahan ng kaniyang asawa na tumulong sa batang alkalde kung kinakailangan.

" 'Yung pinaka-mensahe, maraming paghihirap ang pagdadaanan. Sana mag-stay lang ng course. Maraming temptations. Maraming shortcuts na dadaanan niya, pero sana 'yung focus parating nandyan," aniya.

"Andito lang naman kami. Hindi lang ako pero lalo na 'yung mga katrabaho ng asawa ko. Nagvo-volunteer kami kung meron siyang kailangan na tulong from us para matuto sa lessons na pinagdaanan."

Noong Agosto 2018, isa si Sotto sa dumepensa sa lungsod nang tawagin itong "hotbed" ng shabu ni Pangulong Rodrigo Duterte.

"Talagang hotbed dito! Hotbed of citizen empowerment and participation in governance!!!" aniya.

—Ulat ni Mylce Mella, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.