Lalaki, patay sa pamamaril ng riding-in-tandem

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at May 25 2019 09:06 AM

MAYNILA - Dead on arrival sa ospital ang isang lalaking biktima umano ng panghoholdup sa Tondo, Maynila, Biyernes ng gabi. 

Ayon sa ilang residente ng Barangay 128, naglalakad ang biktima nang biglang lapitan ng dalawang pares ng riding-in-tandem. 

Pinagbabaril ang biktima at may kinuha sa kaniya na hindi pa natutukoy sa ngayon kung ano. 

Umalis agad ang apat na suspek sakay ng dalawang motorsiklo. 

Naisugod pa ang biktima sa Tondo General Hospital pero idineklara ng siyang dead on arrival. 

Iniimbestigahan na ng Manila Police District Homicide Division ang kaso. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.