Ikaapat na palapag ng gusali sa Calapan City, nasunog

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at May 25 2019 09:05 AM

Nirespondehan ng mga bumbero ang lumalagablab pang apoy sa ikaapat na palapag ng gusali ng Star Europhil Furniture and Appliance sa Calapan City, Oriental Mindoro. Larawan mula kay Choy Aboboto

Nasunog ang ikaapat na palapag ng isang gusali sa Barangay Lumangbayan, Calapan City, Oriental Mindoro, Biyernes ng hapon.

Ayon sa Oriental Mindoro Police, nagsimula ang sunog 1:46 ng hapon at naapula makalipas ang isang oras.

Mga furniture ang nasa ikaapat na palapag ng Star Europhil Furniture and Appliance kaya mabilis lumaki ang apoy.

Wala naman nasaktan sa sunog.

Inaalam pa kung magkano ang halaga ng pinsala at kung papaano nagsimula ang apoy. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.