Brigada Eskwela sa Caloocan nauwi sa rambol; 1 sugatan

ABS-CBN News

Posted at May 25 2019 02:58 PM

Sugatan ang isang lalaking estudyante matapos mauwi sa rambol ang nilahukang Brigada Eskwela sa isang public high school sa Barangay San Isidro, Caloocan City.

Ayon sa pulisya, lumahok sa programa ang grupo ng kabataan ng Tala High School nang dumating ang isa pang grupo ng mga kabataan.

Dito na umano nagkAroon ng pagtatalo hanggang sa mauwi sa rambulan sa pagitan ng dalawang grupo.

Nasugatan sa leeg at ulo ang isang estudyante dahil sa pananaksak at isinugod sa Jose Rodriguez Memorial Hospital para mapagamot.

Nahuli naman ang 16 anyos na sumaksak sa biktima, na agad itinurnover sa barangay.

-- May ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.