10 anyos, pinalo ng baseball bat sa ulo ng tiyuhin

Grace Alba, ABS-CBN News

Posted at May 25 2019 12:59 AM

LAOAG CITY - Inoobserbahan pa rin sa ospital ang isang bata matapos paluin sa ulo ng kaniyang tiyuhin gamit ang isang baseball bat sa Laoag City, Ilocos Norte.

Ayon sa ina ng bata, nahihilo at malabo pa ang paningin ng
ng kanyang anak.

Kwento niya, kasama niya ang kanyang mister, ang biktima, at isa pang anak noong Lunes ng gabi nang habulin sila ng lasing na suspek.

Ilang minuto bago ang insidente, una na raw pinagtangkaang paluin ng suspek ang lolo ng biktima.

Dito sumaklolo ang mga magulang at kapatid ng bata.

Ang bersyon naman ng suspek, una raw siyang minura ng bayaw nito na ama ng biktima hanggang sa nagkasakitan ang dalawa.

Aawatin daw sana sila ng biktima.

Itinanggi ng suspek na pinalo niya ng baseball bat ang kaniyang pamangkin.

“Nag-aagawan kami ng baseball bat at hindi ko alam kung ano nakatama sa kanya kasi nasa likod po siya," aniya.

Pinabulaanan naman ng mga magulang ng biktima ang mga alegasyon ng suspek kontra sa kanila.

Desidido ang mga pamilya na magsampa ng reklamo laban sa kaniya.

Sasampahan natin ito ng kasong frustrated murder at grave threat.

Matinding away sa pamilya ang lumalabas na ugat ng insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.