Magsasaka sa Davao, natagpuang patay, may gilit sa leeg

Paul Palacio, ABS-CBN News

Posted at May 25 2018 12:06 AM

DAVAO CITY - Wala nang buhay nang matagpuan ang isang magsasaka sa loob ng bahay nito sa Baguio District, Davao City Huwebes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Carlito Samonte, 48 taong gulang at isang magsasaka.

Nadiskubre ng awtoridad ang malaking sugat sa leeg nito na posibleng dahilan ng kanyang pagkamatay.

Ayon kay Gemma Dagadas, pinuntahan pa niya ang kapatid sa bahay nito pero nadiskubre niyang patay na ito.

Inimbitahan naman ng pulisya ang kaanak ng biktima na si Pablito Samonta na huling nakasama ng biktima sa inuman.

Ngunit ayon kay Pablito, wala siyang alam sa pangyayari.

Ayon kay SPO2 Roland Arado, posibleng pinatay ang biktima pero hindi rin nila inaalis ang posibilidad na nagpakamatay ito.

Nangako naman ang pulisya na iimbestigahan ang kaso.

Anim ang anak na naiwan ni Carlito at magsasampung taon na mula nang iwan ito ng kanyang asawa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.