Lalaking nakatayo sa vulcanizing shop, pinagbabaril

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at May 25 2018 11:08 AM

MANILA – Blangko pa rin ang awtoridad sa posibleng motibo sa pamamaslang sa isang lalaki, Miyerkoles ng hapon sa Barangay Turbina sa Calamba City, Laguna.

Nakatayo lamang si Florante Guavez sa tapat ng isang vulcanizing shop nang lapitan ng gunman at pagbabarilin.

Wala pang pagkakakilanlan ang suspek habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.