PatrolPH

4 patay, 5 sugatan matapos tamaan ng kidlat sa Negros Occidental

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at May 25 2018 11:08 PM

4 patay, 5 sugatan matapos tamaan ng kidlat sa Negros Occidental 1
Sumilong sa isang kubo ang mga biktima mula sa lumalakas na ulan sa Pontevedra, Negros Occidental nitong Biyernes ng hapon. Pontevedra Police

Apat ang patay at lima ang sugatan matapos tamaan ng kidlat sa Pontevedra, Negros Occidental nitong Biyernes ng hapon.

Ayon sa mga biktima, sumilong sila sa isang kubo habang lumalakas ang ulan sa kanilang pinagta-trabahuhang hacienda sa Barangay DSB sa Pontevedra.

Ayon sa kanila, magkadikit sa pagsilong ang apat na nasawi at sa kanila direktang tumama ang kidlat.

Base sa imbestigasyon ng Pontevedra Police, ang radyong nakakabit sa bewang ng isa sa mga namatay ang posibleng dahilan ng pagtama ng kidlat.

Ito na ang pangatlong lightning incident sa Negros Occidental ngayong linggo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.