3 drug suspek, patay sa mga engkwentro sa Laguna, Cavite

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at May 25 2018 11:16 AM

MANILA – Tatlong umano’y drug suspek ang nasawi sa magkakahiwalay na operasyon sa Laguna at Cavite nitong Huwebes ng gabi.

Sa Sitio Bihunan, Barangay Real, Calamba City napatay ang mga suspek na sina “Tone” at “Efren” matapos na manlaban sa operatiba na nagkasa ng buy-bust operation.

Nakipagkita ang isang nagpanggap na buyer sa mga suspek. Nakatunog silang pulis ang katransaksyon kaya nagpaputok ng baril. Napilitan naman ang mga pulis na gumanti ng putok na ikinasawi ng mga suspek.

Sa Barangay Munting Mapino, Naic, Cavite, patay ang drug suspek na si alyas “Kristo” matapos ding mauwi sa engkuwentro ang ikinasang buy bust operation ng Cavite police.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.