Truck, tumagilid sa Antipolo; 2 patay

Zhander Cayabyab, DZMM

Posted at May 25 2017 12:17 PM

MANILA -- Wala nang buhay ang dalawang lalaking natagpuang nadaganan ng tumagilid na truck sa Ortigas Avenue extension sa Antipolo City.

Dakong alas-10 Miyerkules ng gabi nang maaksidente ang truck na puno ng scrap metal sa pakurba at pababang bahagi ng Ortigas Extension, ayon sa imbestigador ng Antipolo PNP na si PO1 Michael dela Peña.

Sinasabing posibleng nawalan ng kontrol ang driver kaya ito naaksidente.

Huwebes ng umaga nang isa-isang tinanggal ang mga scrap metal. Dito na tumambad sa awtoridad ang bangkay ng dalawang lalaki na nadaganan pala sa insidente.

Pinasusuko na ang driver ng truck, na agad nakaalis sa lugar matapos ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.