TFC News

TINGNAN | Higit 50 Pinoy apektado sa sunog sa Abu Dhabi

Victoria Alexia Mari Lopez | TFC News United Arab Emirates

Posted at May 24 2022 02:09 PM

ABU DHABI- Mahigpit 50 OFWs sa Abu Dhabi ang apektado sa naganap na sunog nitong May 23, 2022 sa isang restaurant sa Al Khalidiyah, sa kabisera ng United Arab Emirates.

Nasunugan sa Abu Dhabi
 

Tinututukan ngayon  ng TFC News ang mga Pinoy na apektado ng sunog na kasalukuyang nagtitipon sa isang hotel dahil hindi sila pinapayagan ng mga otoridad na pumasok sa gusali na kung saan naganap ang insidente. 

Mga Pinoy sa labas ng restaurant

Iniimbestigahan na ng Abu Dhabi Police ang sanhi ng sunog. 

Samantala, nakipag-ugnayan naman agad ang Philippine Embassy sa Abu Dhabi sa mga Pinoy na naapektuhan ng sunog. 

Mga Pilipino na nasunugan sa Abu Dhabi
Nasunugan at mga bata
Mga bata at kanilang magulang na nasunugan

Abangan ang buong detalye mula sa TFC News.