PatrolPH

ABISO: Water interruption sa Las Piñas, Muntinlupa, Bacoor, Imus sa Mayo 25

ABS-CBN News

Posted at May 24 2021 09:23 PM

MAYNILA — Nag-abiso ang Maynilad nitong Lunes na magkakaroon sila ng maintenance activity sa Putatan Water Treatment Plant 2 sa Muntinlupa City, at magkakaroon ng water interruption sa ilang lugar sa West Zone.

Ayon sa water concessionaire, pansamantalang makakaranas ng mahinang pressure o kawalan ng tubig ang ilang lugar sa Las Piñas, Muntinlupa, Bacoor at Imus.

LAS PIÑAS CITY

  • Almanza Uno
  • Pilar
  • Talon Uno hanggang Talon Singko 

MUNTINLUPA CITY

  • Alabang
  • Bayanan
  • Poblacion
  • Putatan
  • Tunasan

CITY OF BACOOR

  • Molino II, III, IV at VII
  • Queens Row- Central, East at West
  • San Nicolas III

CITY OF IMUS

  • Pasong Buaya I and II

Tatagal ang water interruption mula Martes alas-12 ng tanghali hanggang Miyerkoles alas-6 ng umaga.

Pinapayuhan ang mga apektadong kostumer na mag-ipon ng sapat na tubig para sa itatagal ng water service interruption.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.