Bayan sa Negros Occidental, inulan ng yelo

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at May 24 2020 11:03 PM

Larawan kuha ni Silva Fernando Joemon

Nakuhaan ng netizen na si Silva Fernando Joemon ang pagpatak ng ulan na may kasamang yelo sa kanilang bahay at sa bubong ng kanilang mga kapitbahay sa bayan ng La Castellana sa Negros Occidental, Linggo ng hapon.

Sabi ni Joemon sa simula'y natakot sila dahil sa laki ng mga yelo pero sa hili ay ikinatuwa naman ito ng mga kabataan sa kanilang bahay.

Ayon kay Zeaphard Caelian, head ng Provincial Disaster Management Program Division sa Negros Occidental, tinatawag itong hailstorm.

Ang hailstorm umano ay bunga ng hindi kompletong pagkatunaw ng ice particles na kadalasang dala ng pagkidlat.

Pinapalalahan ng PDMPD ang publiko na pag may mangyaring hailstorm, dapat ay pumasok sa loob ng bahay o magpasilong dahil minsan ay malalaking yelo ang pumapatak at posibleng magdulot ito ng pagkasugat sa tao.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.