Sugatang dolphin nailigtas sa Negros Occidental

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at May 24 2019 08:47 PM

Napagalamang may sugat ang dolphin malapit sa tiyan. Kuha ni Annie Rose Romero

Nailigtas ang 1 sugatang dolphin sa bayan ng Hinigaran sa Negros Occidental Biyernes ng umaga.

Ayon kay Jerry Vergara, kagawad ng Barangay Gargato, ang dolphin ay lumapit sa bangka ng mga mangingisda na pawang humihingi ng tulong.

Agad naman itong sinuri ng mga mangingisda at inalalayan papunta sa dalampasigan. Napag-alamang may sugat ito malapit sa tiyan.

May 2 dolphin naman na sumunod sa batang dolphin na ayon sa mga mangingisda ay possibleng magulang nito.

Ayon sa rumespondeng staff ng municipal agriculture, ang mga dophin ay isang uri ng irrawady dolphin na makikita sa coastal areas ng karatig-bayan ng Pulupandan.

Sa tulong ng bantay dagat at mga mangingisda ay naibalik na sa dagat ang mga dolphin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.