Shabu na may halagang P820,000 nasamsam sa 3 suspek sa QC

ABS-CBN News

Posted at May 24 2019 10:40 PM

MAYNILA—Timbog sa buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Huwebes ang isang negosyanteng nagpapatakbo ng parlor at 2 kasabwat nito matapos silang makuhanan ng higit P800,000 halaga ng shabu.

Kinilala ang negosyante bilang si Johairah Wali alyas "Ofelia," habang ang mga kasabwat nito ay sina Edgar de Asis at Ernilito Reyes.

Nakatanggap umano ng ulat ang pulisya na dawit sa ilegal na droga si Wali kaya nagkasa sila ng buy-bust operation laban dito.

Nakabili ng P10,000 halaga ng droga ang poseur-buyer kaya't inaresto ang 3.

Nakompiska sa mga suspek ang 12 pakete ng shabu na may tinatayang halagang P820,000.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga susupek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.