Safety officer ng cement plant, patay sa pamamaril

Donna Lavares, ABS-CBN News

Posted at May 24 2019 11:29 AM

Nakatirik ang mga kandila sa lugar kung saan pinagbabaril ang biktima sa Naga City, Cebu.

NAGA CITY, Cebu - Patay sa pamamaril ang safety officer ng isang cement plant nang pagbabarilin, Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Benjie Abaquita, 38-anyos.

Pauwi na sana si Abaquita sakay ng kaniyang motorsiklo sa Barangay Inoburan nang biglang barilin ng salarin na naglakad lang.

Naniniwala ang asawa ng biktima na si Mae na may kinalaman sa trabaho ang motibo sa krimen.

“Kasi focused siya sa trabaho. Ang sabi niya sa akin may nainggit sa kaniya kasi palagi siyang nag-rereport sa kanilang head sa mga nangyayari sa site. Kung siya man, sana mag surrender na lang,” sabi ni Mae.

Kumbindiso naman ang pulisya na personal ang motibo sa krimen. Wala kasing kahit anong rekord sa kanilang station ang biktima.

Iimbitahan ng pulisya ang sinasabing person of interest at ang mga kasamahan nito para sa gagawing imbestigasyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.