Matapos ma-ospital: 'Bikoy' nagpiyansa sa mga kasong estafa

ABS-CBN News

Posted at May 24 2019 07:50 PM

'Bikoy' nagpiyansa sa mga kaso ng estafa

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Isinugod sa pagamutan si Peter Joemel Advincula o nagpakilalang si alyas “Bikoy” dahil nahirapan daw ito huminga sa kaniyang piitan sa Camp Crame matapos sumuko noong Huwebes.

Matatandaang sumuko si Advincula noong Huwebes na nahaharap sa mga kasong estafa sa Baguio.

Kasabay nito ay binawi niya ang kaniyang mga naunang akusasyon laban sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Advincula ang umaming nasa likod ng lalaking naka-hood na laman ng serye ng video na "Ang Totoong Narco-list" na nagdadawit sa pamilya at aide ni Duterte sa ilegal na droga.

Pinabulaanan naman ni PNP chief Police General Oscar Albayalde ang mga akusasyong may special treatment sila kay Advincula.

Nitong Biyernes, sa pamamagitan ng kaniyang counsel, nakapagpiyansa si Advincula para sa anim na kaso ng estafa.

Sa ngayon, mananatili sa kustodiya ng PNP si Advincula hanggang payagan na siyang umuwi ng kaniyang mga doktor.

-- Ulat ni Raffy Santos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.