Higit P120-M halaga ng droga nakuha sa 4 na Chinese sa Pangasinan

ABS-CBN News

Posted at May 24 2019 09:36 PM | Updated as of May 27 2019 08:57 PM

MAYNILA—Apat na Chinese national ang nakuhanan ng nasa P124 milyong halaga ng shabu sa isinagawang operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang subdivision sa lungsod ng Urdaneta, Pangasinan. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon kay NBI spokesman Ferdinand Lavin, nahuli ang 4 matapos ang 2 araw na surveillance na ginawa ng mga awtoridad. 

Kinilala ang mga dayuhan bilang sina Lu Jun, Zuo Sheng Li, Li Yu, at Ye Ling.

Nasamsam sa 4 ang nasa P124 milyong halaga ng shabu.

Unang nahuli si Lu Jun at nakuha sa kaniya ang 10 pakete na naglalaman umano ng shabu.

Nakakuha ng 8 search warrants ang mga operatiba ng NBI noong Huwebes dahilan para mahuli ang 3 pang kasabwat ni Lu Jun. 

Hinahanda na ng NBI ang pagsasampa ng reklamo laban sa 4 na dayuhan. —Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.