Eroplano ng Air Force, bumagsak sa dagat sa may Cavite; 2 piloto nailigtas

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at May 24 2019 09:17 PM | Updated as of May 25 2019 12:09 PM

MAYNILA—Bumagsak sa dagat sa may Sangley Point, lungsod ng Cavite ang isang OV-10 aircraft ng Philippine Air Force Biyernes ng tanghali.

Sa ulat ng Cavite Police, nailigtas ng mga mangingisda ang 2 piloto na sina 1st Lt. Uriel Pangket at 1st Lt. Razelle Cerdenia.

Nagsasagawa umano ng proficiency flight lesson ang OV-10 aircraft nang makaranas ng engine failure hanggang sa bumagsak.

Nakapag-eject ang 2 piloto at na-rescue ng mga mangingisda. Agad silang dinala sa Air Force General Hospital sa Villamor Airbase, lungsod ng Pasay.

Patuloy namang hinahanap ang eroplanong bumagsak sa dagat.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.