Dalagitang 'courier' nahulihan ng P30,000 halaga ng 'shabu'

ABS-CBN News

Posted at May 24 2019 05:22 PM | Updated as of May 24 2019 09:50 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Nahuli sa buy-bust operation sa Rosario, Cavite nitong Biyernes ang isang 15 anyos na dalagita na umano'y ginamit na courier ng ilegal na droga. 

Kinilala ang suspek na si alyas "Lyza."

Limang gramo ng hinihinalang shabu na aabot sa P30,000 ang halaga ang nasamsam sa bata. 

Ayon kay Lyza, na galing pa ng Bacoor, inutusan lang umano siya na dalhin ang droga na kinuha mula Imus City. 

Tingin ng pulisya ay organisadong grupo ang nasa likod ng pagpapadala kay Lyza ng droga. 

"Iyong minor walang kaalam-alam na dadalhin 'yung shabu," ani Police Maj. Dhefry Punzalan, hepe ng Rosario. 

Ito na umano ang ika-10 beses na nakapaghatid ng shabu si Lyza. 

Nasa pangangalaga na ngayon ng mga social worker si Lyza.

-- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.