Bus sumalpok sa nuclear power plant sa Bataan; 25 sugatan

Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Posted at May 24 2019 07:09 PM

MAYNILA - Sugatan ang 25 katao matapos sumalpok ang isang pampasaherong bus sa pader ng Bataan Nuclear Power Plant nitong Biyernes.

Patuloy na nirerescue ang driver ng bus habang naisugod na sa ospital ang 24 na pasaherong nasugatan, ayon kay Metro Bataan Development Authority General Manager Charlie Pizarro.

Batay sa inisyal na impormasyon, nawalan umano ng preno ang pampasaherong bus.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.