'Big time' drug pusher patay sa engkuwentro sa Antipolo

ABS-CBN News

Posted at May 24 2019 05:37 PM

MAYNILA — Patay ang isang umano'y big time drug pusher matapos daw manlaban sa mga pulis sa Antipolo City nitong madaling araw ng Biyernes.

Kinilala ang namatay na si Ronald Tagana o alyas "Andong" na nagpositibo sa buy-bust operation ng Antipolo City police sa Barangay Mayamot.

Ang suspek umano ang nagsusuplay ng droga sa ilang na-dismiss na pulis na nagtutulak na ngayon sa mga barangay ng Mayamot, Cogeo, at Inarawan, ayon sa mga awtoridad.

Matagal na raw target ng mga pulis si Tagana.

Nakuha mula sa suspek ang isang baril at 30 sachet ng hinihinalang shabu.

-- Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.