'Banta sa artistic freedom': Hirit ng PDEA sa kanta ni Shanti Dope inalmahan

ABS-CBN News

Posted at May 24 2019 07:44 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Umalma ang kampo ng Pinoy rapper na si Shanti Dope sa hirit ng Philippine Drug Enforcement Agency na ipatigil ang pag-ere ng kaniyang kanta na “Amatz.” 

Ito ay matapos ihayag ni PDEA Director General Aaron Aquino na nais nilang ipatigil ang pag-ere ng kanta dahil umano sa pag-engganyo nito ng paggamit ng marijuana. 

Sa isang pahayag, sinabi ng management ni Shanti Dope na hindi droga kundi musika ang tinutukoy ng kantang Amatz at dapat pakinggan muna ni Aquino ang buong kanta bago bigyan ng ibang kahulugan.

“We enjoin Director Aquino to listen to the whole song, and not just take a few lines out of context…None of it promotes marijuana use…Amatz already refers to precisely the music through which the persona found his identity- not any form of drugs,” ani ng kampo ni Shanti Dope sa isang pahayag. 

Dagdag pa nila, malinaw na banta sa creative at artistic freedom ang hakbang ng PDEA.

"This ban sets a dangerous precedent for creative and artistic freedom in the country…this is a brazen use of power, and an affront to our right to think, write, create and talk freely about the state of the nation," anila. 

Pero hindi pa rin kumbinsido rito si Aquino at nanawagang huwag magalit sa kaniya ang publiko sa kanilang hirit. 

"Huwag nila sabihin kanta lang 'yan, whether its a song, a poem a story a movie or what just as long as it conveys a negative impression," ani Aquino. 

Sa isang pahayag, sinabi naman ng Movie and Television Review and Classification Board na pinag-aaralan na nila ang reklamo ng PDEA at magpapatawag ng pulong para dinggin ang issue.

“It is being studied by our legal department….To afford due process, MTRCB will call the affected parties to a conference to hear their respective positions on the issue at hand,” anila sa pahayag. 

Ayon naman sa Organisasyon ng Pilipinong Mang-Aawit, bagamat hindi na nila mandato ang pag dikta sa ihahayag ng Filipino artists, iginiit nilang hindi nila kinukunsinti o isinusulong ang pag gamit ng ilegal na droga.

“It is not our mandate to dictate what and how our members should or should not reflect in their art as we believe it is our higher duty to ensure the full participation of Filipino artists in the marketplace of ideas,” anila. 

-- Ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.