25 sugatan sa salpukan ng 2 bus sa Mt. Province

Justin Aguilar, ABS-CBN News

Posted at May 24 2019 11:28 PM | Updated as of May 24 2019 11:46 PM

Sugatan ang 25 katao matapos magsalpukan ang 2 bus sa Sabangan, Mt. Province nitong Biyernes ng hapon.

Biyaheng Baguio ang isang bus, habang papuntang Sagada naman ang nakasalubong nito.

Nasa 18 pasahero ang itinakbo sa Luis Hora Hospital habang 7 naman ang dinala sa Bontoc General Hospital.

Sugatan ang parehong driver ng mga bus, ayon sa Sabangan Bureau of Fire Protection.

Nagdulot ang insidente ng halos isang oras na traffic. Naitabi na sa pagkakaharang ang mga bus at maaari nang makadaan sa Tagudin-Cervantes-Sabangan Road.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.