2 sugatan nang araruhin ng pick-up ang taxi, 2 motorsiklo sa Davao

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at May 24 2019 08:12 AM

DAVAO CITY - Sugatan ang 2 lalaki matapos araruhin ng isang pick-up ang kanilang mga sinasakyang motorsiklo at ang isang taxi dito sa lungsod, Huwebes.

Unang bumangga ang pick-up sa likurang bahagi ng sinusundan nitong taxi hanggang nabangga nito ang kasalubong na 2 motor sa Barangay Matina Pangi, sabi ni Jojo Bolasco na nakakita sa insidente.

Nayupi ang likurang bahagi ng taxi habang nasira din ang 2 motor.

Ayon sa driver ng pick-up na si alyas "Alvin", inakala niyang naka-parada lang ang taxi at nang iniwasan niya ito saka naman ito umatras kaya nabangga niya.

Nakainom ang driver ng pick up na si Alvin base sa breath analyzer, sabi ng mga awtoridad.

Haharap si "Alvin" sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property at physical injury at sa paglabag sa Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.