Batang babae sugatan sa sunog sa Valenzuela

Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Posted at May 24 2019 10:10 PM | Updated as of May 24 2019 11:00 PM

MAYNILA (UPDATE)—Sugatan ang isang 2-anyos na babae matapos sumiklab ang sunog sa Barangay Marulas, lungsod ng Valenzuela Biyernes.

Agad siyang isinugod sa Karuhatan General Hospital matapos magtamo ng 1st degree burn sa kaliwang paa.

Nag-umpisa ang apoy sa ika-2 palapag ng bahay ng isang Eduardo Plaza bandang alas-6:30 ng gabi na mabilis kumalat sa mga katabing bahay, ayon kay Valenzuela City Fire Senior Insp. Noel Dulin.

Itinaas ito sa 3rd alarm alas-7 ng gabi bago tuluyang maapula alas-9 ng gabi.

Ang mga nasunugan ay mga informal settlers sa lugar, ani Dulin.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.