Retiradong pulis, patay sa pamamaril sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Nov 25 2018 10:02 PM

TALISAY CITY -- Patay ang isang retiradong pulis at kasama nito nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang nakasakay sa motorsiklo sa bahagi ng Barangay Tabunoc sa lungsod na ito Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima na si retired SPO1 Edgar Causon.

Base sa inisyal na imbestigasyon, galing sa isang coffee shop ang dalawa nang pinagbabaril. Dead on the spot ang mga biktima dahil sa mga tama ng bala.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.