MAYNILA — Paghahatian ng dalawang mananaya ang P29.7 milyong jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto na napanalunan nitong Lunes, ika-22 ng Mayo.
Ayon sa opisyal na Facebook page ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), dalawa ang nakasungkit ng premyo matapos nilang matamaan ang winning combination na 28-32-12-09-18-50 sa kahit anong pagkakasunod-sunod.
Kasabay nito, 10 mananaya naman ang mag-uuwi ng tig-P100,000 matapos tumama ang limang numero nila sa naturang combination.
Nananatili namang lagpas P17.2 milyon ang jackpot prize sa 6/45 Mega Lotto matapos walang makatama sa winning combination na 31-33-22-43-40-19 ngayong Lunes.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.