PatrolPH

P68 milyong halaga ng 'shabu' nasamsam sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at May 23 2022 12:16 PM

Retrato mula sa Philippine National Police Drug Enforcement Group
Retrato mula sa Philippine National Police Drug Enforcement Group

Tinatayang aabot sa P68 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa Angeles City, Pampanga noong Linggo.

Ayon sa pulisya, bandang alas-2:30 ng hapon nang mangyari ang operasyon sa isang subdivision sa Barangay Balibago.

Maliban sa 10 kilo ng hinihinalang shabu, nakumpiska rin umano sa operasyon ang buy-bust money, boodle money at iba-ibang drug paraphernalia.

Patuloy umano ang pagtugis ng mga awtoridad sa 3 suspek na nakatakas.

— Ulat ni Gracie Rutao

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.