PatrolPH

P55-M halaga ng shabu, nakumpiska sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at May 23 2022 09:05 PM

MAYNILA - Nasa P55 milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska sa isinagawang buy bust operation ngayong Lunes sa Barangay 188, Tala, Caloocan City.

Alas-3:50 ng madaling araw nang ikasa ang operasyon na pinangunahan ng Station Drug Enforcement Unit at Caloocan police.

Arestado sa operasyon ang 35 anyos na lalaki kung saan nakuha ang nasa 8,100 grams na pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P55,080,000.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Ayon kay Police Maj. Gen. Felipe Natividad, patuloy ang gagawin nilang operasyon kontra ilegal na droga sa Kamaynilaan.

Ang pagkakakumpiska aniya ng naturang droga ay makatutulong upang hindi na kumalat pa ito.

FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.