PatrolPH

8 pamilya apektado ng sunog sa Caloocan City

ABS-CBN News

Posted at May 23 2022 01:17 PM

Limang bahay ang nilamon ng apoy sa Maypajo, Caloocan City noong Mayo 22, 2022. ABS-CBN News
Limang bahay ang nilamon ng apoy sa Maypajo, Caloocan City noong Mayo 22, 2022. ABS-CBN News

Aabot sa walong pamilya ang naapektuhan ng sunog na tumama sa isang residential area sa Caloocan City, gabi ng Linggo.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, mabilis na kumalat ang apoy sa limang bahay, na gawa sa light materials.

Ayon sa nakatira sa isa sa mga bahay, may narinig siyang mga kalabog sa ikalawang palapag ng kanilang bahay bago lumaki ang apoy.

Sinubukan pa niya umanong umakyat para kuhanin ang mahahalagang dokumento pero hindi na nagawa dahil sobrang laki na ng apoy.

Wala namang nasugatan o namatay sa insidente.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang dahilan ng sunog at kung magknao ang pinsala nito.

— Ulat ni Jeff Caparas, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.