PatrolPH

Magkasunod na sunog sumiklab sa Maynila; 20 pamilya nawalan ng tirahan

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at May 23 2021 11:36 AM

Magkasunod na sunog sumiklab sa Maynila; 20 pamilya nawalan ng tirahan 1
Nasunog ang isang restoran sa Binondo, Maynila noong Mayo 22, 2021. Retrato mula sa Manila Tondo Fire & Rescue Volunteer Inc.

MAYNILA — Aabot sa 20 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab sa Paco district, Maynila, gabi ng Sabado.

Ayon sa mga bombero, nagsimula ang apoy sa ikatlong palapag ng isang 3-storey residential building sa Nakal Street.

Umabot sa P300,000 ang halaga ng pinsala sa ari-arian.

Samantala, sa Binondo, natupok naman ang isang restaurant sa San Fernando Street.

Wala nadamay na katabing establisimyento at nasaktan sa insidente.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng parehong sunog.

FROM THE ARCHIVES:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.