PatrolPH

Lolo patay nang barilin umano ng nakababatang kapatid sa Capiz

ABS-CBN News

Posted at May 23 2021 12:36 PM

Patay ang isang 63 taong gulang na lalaki matapos umanong barilin ng nakababata niyang kapatid sa Ma-ayon, Capiz nitong Sabado, ayon sa pulisya.

Nagkaroon ng pagtatalo ang biktimang si Alfredo Dumagpi at asawa ng suspek habang naghahanda silang magkakamag-anak para sa piyesta, sabi ng pulisya.

Namagitan umano ang suspek sa pagtatalo hanggang sa ang magkapatid na ang nag-away.

Bigla umanong kumuha ng baril ang suspek at pinaputukan ang kuya, sabi ng pulisya.

Dinala sa ospital ang biktima pero idineklara ring dead on arrival dahil sa tinamong malubhang sugat sa tiyan.

Samantala, nanawagan naman ang pamilya ni Dumagpi sa nakatakas na suspek na sumuko at harapin ang nagawang krimen.

— Ulat ni Rolen Escaniel

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.