TINGNAN: Green sea turtle nasagip sa Ilocos Norte

ABS-CBN News

Posted at May 23 2021 08:00 AM

TINGNAN: Green sea turtle nasagip sa Ilocos Norte 1
Isang green sea turtle na pinangambahang malambat ang nasagip sa Pagudpud, Ilocos Norte noong May 22, 2021. Photo courtesy of Jose Morata, MENRO-Pagudpud

Isang green sea turtle na pinangambahang malambat ang nasagip sa Barangay Pasaleng sa bayan ng Pagudpud, Ilocos Norte, Sabado ng umaga.

Ayon kay Municipal Environment and Natural Officer ( MENRO) Jose Morata, ang nasabing pawikan ay nakita ng ilang mangingisda.

Malapit raw ito sa bahagi kung saan sila mangingisda. Kaya sa pangambang baka malambat nila ito ay pinili nilang tulungang makalangoy ito papuntang pampang at agad ini-report sa mga awtoridad.

"Magpi-fishing sila kaya nilangoy ng mga fisherman at dahan-dahang itinulak papunta sa pampang, kasi baka hindi maiwasan na masagi ng fishnet, " sabi ni Morata.

Wala namamg sugat ang pawikan kaya ibinalik ito sa dagat. 

May haba itong 147 centimeters, habang ang lapad nito ay 105 centimeters. May bigat itong 162 kilos.

- Ulat ni Grace Alba

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more on iWantTFC