PatrolPH

Drug den raid sa Tagum: P984,000 halaga ng 'shabu' nasamsam, 12 timbog

ABS-CBN News

Posted at May 23 2021 11:52 AM

Drug den raid sa Tagum: P984,000 halaga ng 'shabu' nasamsam, 12 timbog 1
Sinalakay ng mga awtoridad sa Davao del Norte noong Mayo 21, 2021 ang isang hinihinalang drug den. Retrato mula sa Philippine Drug Enforcement Agency-Davao Region

Aabot sa P984,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa 12 suspek na naaresto sa anti-illegal drug operation sa Tagum City, Davao del Norte.

Sinalakay ng mga awtoridad noong Biyernes ang isa umanong drug den sa Barangay Apokon, dala ang search warrant laban sa 4 na suspek.

May naaresto ring 8 na nakita sa bahay ng mga hinainan ng warrant, na ayon sa mga awtoridad ay sangkot din sa ilegal na droga.

Nakatakas naman sa gitna ng operasyon ang 2 suspek na patuloy na tinutugis ng mga awtoridad.

Kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang mga arestado.

— Ulat ni Chrislen Bulosan

FROM THE ARCHIVES:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.