Graduation rites para sa mga preschooler, ginawang house-to-house sa Sarangani

Yen Mangompit, ABS-CBN News

Posted at May 23 2020 08:07 PM

Ilang guro sa sa isang daycare center sa bayan na Glan, Sarangani ang nagsagawa ng house-to-house graduation rites para sa kanilang mga preschooler. Yen Mangompit, ABS-CBN News

GLAN, Sarangani – Ilang guro sa isang daycare center sa Barangay Poblacion sa bayan na ito ang dumiskarte at tinuloy ang naudlot na graduation rites para sa kanilang mga preschooler.

Nagsagawa ng house-to-house mobile graduation rites na tulad din sa nakasanayang eksena -- nakasuot ng toga ang mga bata at tinatawag isa-isa ng mga guro para suotan ng medalya.

Dahil dito, naging masaya ang mga bata at kanilang pamilya, sa gitna ng COVID-19 pandemic.

"The advantage of having house-to-house graduation seeing na 'yung mga kabataan natin ngayon ay talaga namang excited to receive their medials, certificates," ani Ryan James Dueñas, tito ng isang preschooler.

Aniya, may mahahanap pa ring rason para manatili pa ring positibo.

Sa panahon ng pandemic, lumutang ang pagkamalikhain ng mga guro sa bayan, pero kung may gagaya man nito, siguraduhin lang na nasusunod pa rin ang mga COVID-19 policies, ayon sa mga awtoridad.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.